Deysi
@deeeeeeeeeesi
Followers
2K
Following
20K
Media
1K
Statuses
17K
Direk, ina apply ko pa rin ang mga turo mo, wag uulitin ang joke, dapat matawa ako sa sarili kong joke, at kung natatawa ako- nakakatawa yun! Sobrang swerte ko na nakilala kita, Direk. Hanggang sa muli. Nagmamahal, Bruha
0
0
2
Direk, ilang taon na pala ang lumipas. Parang kailan lang, rinig ko pa kung paano mo ako tinatawanan. O kaya kapag inuupuan natin ang script gamit ang red ballpen mo. Kapag nakakakita ako ng Madelines sa S and R, ikaw ang naaalala ko.
1
0
1
Pero sa kalagitnaan, lumipad ang papel. Hindi ko mahanap ang susunod na linya. Tahimik. Awkward. Limang minuto. Pakiramdam ko humahagikgik ang totoong bruha sa langit.
1
0
0
Maniwala kayo o hindi, hanggang burol ni Direk, comedy pa rin siya. Na assign akong magbasa ng chapter sa misa ng pabasa. Dahil kabado ako, minarkahan ko na ang page na babasahin ko. Maayos ang umpisa. Kung anong sinasabi ko, inuulit ng mga tao.
1
0
1
Tandang tanda ko, isang Linggo ng umaga, tumawag ang boss ko sa akin para sabihing wala na si Direk Wenn. Ang tagal kong natulala sa balitang iyon. Kung kailan may pangalan na ako sa bokabularyo niya. Kung kailan excited na akong maging bruha sa susunod pa sana naming project.
1
0
0
Mas dumami ang away galit moments namin nung ginagawa namin ang Beauty and the Bestie. (Namura ako sa mic. HAHA). Pero nung huling shooting day ng Beauty and the Bestie, pagkasabi niya ng pack up, magkatabi kami. Ngumiti siya sa akin at sinabi niya, “Infairness sa’yo ha, bruha.”
1
0
0
Bida bida kasi ako nung batang creative pa ako, pag may pinasulat siyang script, minsan di ko sinusunod. Kaya bruha ang tawag niya sakin. Haha!
1
0
0
Okrayin man ako lagi ni Direk, lagi naman akong may regalo mula sa kanya tuwing Pasko. May personalized note pa, at ang tawag niya sa akin, di ko makakalimutan- bruha.
1
0
0
Love language ata ni Direk Wenn ang tarayan ka tapos busugin ka after. HAHAHA. Kasi pagdating ko, binigyan na agad niya ako ng Madeline na lagi niyang bitbit… kahit nakairap siya! Haha
1
0
0
Dali dali ko siyang tinawagan at nag sorry. Naka loudspeaker ako sa LRT at narinig ng buong bagon ang sinabi niya. “Pag ikaw wala dito in thirty minutes, sasabunutan kita pa vertical at horizontal.”
1
0
0
As we did projects together, I knew he loved me because he would always look for me. Isang araw, late akong nagising. Nagising ako sa tawag ng producer namin kasi hinahanap daw ako ni Direk.
1
0
0
HAHAHA. Isang buwan na akong nagsi set, sumasabay sa kanya kumain, at isang araw lang akong nawala sa anino ng manager ko, tinanong na niya agad kung sino ako. Mataray yung tono, okay? HAHAHA. Umpisa pa lang iyon ng marami pang pang ookray sa akin ni Direk.
1
0
0
Hindi naman ako funny sa totoong buhay, kaya inaaral ko bawat eksena bago ako pumasok sa shoot. Takot ako na matanong ni Direk at wala akong maisagot. Ang unang tanong sa akin ni Direk ay, “Sino ’to?”
1
0
0
I think I was one of the last creatives he trained before he passed away. I was a creative assistant back then for Praybeyt Benjamin 2. I was a new kid in the industry, and my first assignments were- Vice Ganda and Wenn Deramas movies 🤯
1
0
0
When I saw this trend, immediately one person came to mind. That is the late Direk Wenn Deramas.
1
0
4
Different acids do different jobs on your skin 💧
182
10K
74K