
Ang Pahayagang Plaridel
@Plaridel_DLSU
Followers
10K
Following
3K
Media
13K
Statuses
47K
Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral sa wikang Filipino ng Pamantasang De La Salle. | https://t.co/OnOrU1OYZX | [email protected]
2401 Taft Avenue
Joined April 2011
Ibahagi ang mga naipong chika sa loob at labas ng Pamantasan sa pamamagitan ng Buwanang Kalat at Katarantaduhan (BUKAKA), ang spoof isyu ng Ang Pahayagang Plaridel. Tingnan at basahin ang interaktibong isyu sa https://t.co/GH7NEzdBQr.
19
15
25
Hindi titigil sa panggagamot ang mga albularyo sa kabila ng mga hindi naniniwala dahil sa layuning tangan nila. Magpapatuloy ring manalig ang mga tao hangga't nakapagbibigay ito ng ginhawa sa kanilang mga karamdaman. https://t.co/DAur7PrMr3
plaridel.ph
Buhay at Kultura
0
0
1
KINUMPIRMA ni DLSU guard Kean Baclaan na hindi na siya makakapaglaro sa mga nalalabing sagupaan sa #UAAPSeason88 Men’s Basketball Tournament matapos magtamo ng MCL tear sa kaniyang kanang tuhod bunsod ng banggaan kontra UE Red Warriors kahapon, Oktubre 16. | mula Kean Baclaan
1
2
2
Pinangunahan nina Lolita Lachica, Chef Angelo Guison, at DJ Cupcakes ang talkback session na nagbigay-lalim sa pag-unawa sa ugnayan ng midya, kultura, at kasaysayan sa patuloy na pakikibaka para sa katotohanan at katarungan.
1
0
0
INIHANDOG ng DLSU CONIC at Probe Team ang The Legacy of Corruption: Exposing Wealth and Power from Martial Law to Today bilang bahagi ng ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa Natividad Fajardo - Rosario Gonzales Auditorium kahapon, Oktubre 15.
1
0
1
KINAPOS ang puwersa ng DLSU Green Shuttlers kontra Adamson Men’s Badminton Team, 2–3, sa pagpapatuloy ng #UAAPSeason88 Men's Badminton Tournament sa Rizal Memorial Coliseum Badminton Hall, Oktubre 16. | Retrato mula UAAP Season 88 Media Team
1
1
1
Isinagawa ng Berdeng Kalabaw ang naturang collection report para sa Pamantasan.
0
0
0
NAKALIKOM ng kabuoang 149 na kilo ng plastic at 26 na kilong bakal ang Evergreen Labs Philippines mula sa De La Salle University - Manila na naiwasang mauwi bilang basura upang gawing recyclable na mga kagamitan nitong Oktubre 7. | mula I Live Green
1
0
2
Idiniin naman ng ICC na walang epekto ang naturang deskalipikasyon sa kinahaharap na kaso ni Duterte sa hukuman. Magpapatuloy ito sa pangunguna ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.
0
0
0
Iniuugnay ito sa papel na ginampanan ni Khan sa pagsusumite ng impormasyon upang imbestigahan ang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte bago pa man magsilbi bilang prosecutor ng ICC.
1
0
0
Ipinunto ng ICC bilang isa sa mga batayan ang Article 42(7) ng Rome Statute na ipinagbabawal ang pakikibahagi ng isang prosecutor sa mga pangyayaring maaaring pagdudahan ang kaniyang kawalan ng pagkiling sa mga kaso.
1
0
0
ISINAPUBLIKO ng International Criminal Court (ICC) ang pagdeskalipika kay Prosecutor Karim A.A. Khan nitong Oktubre 2 mula sa kasong kinahaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa inilabas na dokumento ng korte kahapon, Oktubre 15. | mula @IntlCrimCourt
1
0
0
Hindi lamang sa pagkawala ng buhay maaaring maramdaman ang pagdadalamhati. Nananahan din ito sa mga karaniwang suliranin, mula sa mga mumunting alalahanin o mabibigat na pasanin. Sa dinaranas na hinagpis, maaaring dumaan ang bawat isa sa limang yugto patungo sa paghilom.
1
0
1
PINUKSA ng DLSU Green Archers ang hukbo ng UE Red Warriors, 111–110, sa kanilang unang pagtatapat sa #UAAPSeason88 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 15. #StrengthInMotionHopeInAction
#AnimoLaSalle
#PlaridelUAAP88
2
1
4
HINADLANGAN ng DLSU Lady Archers ang pagsalakay ng UE Lady Warriors, 73–62, sa kanilang unang salpukan sa #UAAPSeason88 Women's Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 15. #StrengthInMotionHopeInAction
#AnimoLaSalle
#PlaridelUAAP88
2
2
3
NAUWI SA TABLA ang duwelo ng DLSU Lady Woodpushers at UST Female Woodpushers, 2–all, sa pag-arangkada ng #UAAPSeason88 Women's Chess Tournament sa Adamson University Gym, Oktubre 15. #StrengthInMotionHopeInAction
#AnimoLaSalle
#PlaridelUAAP88
0
1
1
Kabilang sa listahan sina dating Cong. Mary Mitzi Cajayon-Uy, Arturo Atayde, Alvin Tan, Elmer de Leon, at District Engr. Aristotle Ramos.
0
0
1
INAPRUBAHAN ng Department of Justice ang kahilingan ng Independent Commission for Infrastructure na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa 16 na indibidwal na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects, Oktubre 15. | mula Inquirer
2
0
2
PUMAILALIM ang DLSU Lady Shuttlers sa bagsik ng NU Women's Badminton Team, 2–3, sa pagpapatuloy ng #UAAPSeason88 Women's Badminton Tournament sa Rizal Memorial Coliseum Badminton Hall, Oktubre 15. | Retrato mula UAAP Season 88 Media Team
2
1
2
COURT-EZ 🏹 Itinanghal na Player of the Game si Green Archer Jacob Cortez bitbit ang 26 na puntos at dalawang rebound kontra UE Red Warriors sa #UAAPSeason88 Men's Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 15.
2
4
6