luna sicat cleto bot
@LunaSicatBot
Followers
120
Following
1
Media
0
Statuses
208
not affiliated -- all her words -- buy her books: MAKINILYANG ALTAR (2002) [up press] and MGA PRODIGAL (2010) [anvil]
Joined August 2017
Mas nauna pa yatang tubuan muli ng mga bulaklak ang bunganga ng isang bulkang sumabog kaysa tubuan siyang muli ng pag-asa.
0
0
8
Sa bagsak-taas ng telon sa tanghalang nabuo sa iyong isipan, suot ng mga salita ang maskara ni Kamatayan,
0
4
19
Naging malaking sagka sa aking pag-unlad ang pananatili sa mga paksang kilala ko, o naranasan ko mismo, o narinig ko mula sa mga malalapit na kaibigan o kamag-anak. Ngayon, nais kong tawirin ang ilog papunta sa Isla ng Imbensiyon.
0
2
8
Sutsot ng hangin sa talahiban Hinigpitan ang kipkip sa libro Wala kahit pusang itim sa daan.
0
0
0
ang mga gunita ng mga inaping nuno, hindi ang mga pangarap ng mga napalayang mga kaapo-apuhan, ang nagtutulak sa mga taong maghimagsik.
0
1
3
Kung bakit ang pag-unawa mismo ng salitang ito [praxis] ang nagbubukod sa maraming mga manunulat bilang mga tagapagpanday lamang ng mga maririkit o lirikal na taludtod; o ang mga manunulat na kahit iilan lang ang produksiyon ay namamahay pa rin sa ating alaala
0
1
5
“Oo nga pala. Matandain ka.” “Matandain.” “Ng pangalan, mukha, o kasalanan?”
0
4
14
Isang lalaking nasanay sa bakbakan, isang lalaking pinatalino ng sagupaan.
0
0
2
Tinanong ng interviewer kung ano ang pakiramdam niya sa naging pagtrato ng kasaysayan sa mga nakipaglaban noong panahon ng Hapon. Hindi itinago ng subject ang kanyang disgusto. “How would you feel if somebody promised you the moon and he gave you a stone?”
0
0
2
Silang lahat ay nagdalaga na’t masaya sa kanilang pagkababae, habang ako’y pinagdedebatehan ko pa kung gusto kong maging tao o halimaw.
0
4
13
Pero yakap pa rin niya ang riple na parang asawang umaalo sa kanyang hinagpis.
0
0
2
“Dumating na raw ang tulong.” Sino ba ang umalis? Sino ba ang nagdala ng digma? Sino ba talaga ang tumulong? Sino ba talaga ang Dumating?
0
3
14
natatakot akong pumatay, hindi ko rin alam kung kinikilala nila ang kamatayan, dahil hindi naman nila kinikilala ang panahon,
0
3
7
maghahanap lang siya ng ibang kaluluwang kagaya ko, nagkalat naman daw kami sa buong mundo, hindi ko lang daw alam iyon, dahil masyado akong nakatira sa alapaap,
0
2
14
totoo nga bang wala akong giyerang kinasangkutan, kailanman?
0
1
5
Ang nayon ay binihisan na, wika nga ni Brigido Batungbakal. Nalatagan na ng mga kalsada, nagkaroon na ng mga mall, tumubo na ang mga barong-barong, nagka-halitosis na ang mga sapa’t ilog.
0
0
3
Basta’t may tiwala ka sa sarili. Itong huling sangkap ang magsisilbing mantra sa pagdating ko roon, bilang isang isdang nawala sa tubig na pinaglalanguyan
0
0
2