Christopher Sitson
@ChrisSitson
Followers
483
Following
53
Media
792
Statuses
1K
Reporter, ABS-CBN News ❤️💚💙
National Capital Region
Joined November 2024
Natagpuan ang bangkay ng babae na may tama ng bala sa ulo sa Sirri Road, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, Martes ng umaga, October 21, 2025. @ABSCBNNews
0
0
2
“Hindi po namin alam kung paano kami babangon” Nananawagan ng tulong tulad ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang ilang residente ng Bgy. Partida sa Norzagaray, Bulacan matapos mawasak ang kanilang tahanan dahil sa pagsabog ng ilegal na pagawaan ng paputok. @ABSCBNNews
0
0
0
Patuloy na hinahanap ng awtoridad ang may-ari ng sumabog na pagawaan ng paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan, Miyerkules ng umaga, October 22, 2025. Dalawa ang patay at lima ang sugatan sa insidente. @ABSCBNNews
0
0
2
Kabilang sa nasawi sa pagsabog ng iligal na pagawaan ng paputok sa Norzagaray, Bulacan ang 15-anyos na si Ivan Bation na natutulog malapit sa pagawaan. Katatapos lang magbantay ni Ivan sa burol ng kanyang 10-anyos na nakababatang kapatid na namatay dahil sa sakit. @ABSCBNNews
0
0
1
Bantay-sarado ng awtoridad ang lugar kung saan sumabog ang iligal na pagawaan ng paputok sa Bgy. Partida, Norzagaray, Bulacan, Miyerkules ng umaga, October 22. Dalawa ang patay at lima ang sugatan sa insidente. @ABSCBNNews
0
0
4
Nalooban ang isang lalaking natutulog sa kanyang bahay sa Antipolo, Rizal. Napag-alaman ng PNP na 17 anyos lang ang suspek na agad natunton ng awtoridad. @ABSCBNNews
0
0
2
Sapul sa CCTV ang panloloob ng dalawang lalaki sa isang bahay sa Teresa, Rizal. Nahuli ang mga kawatan matapos kunin ng tiyuhin ng isa sa mga suspek ang naiwan nilang motorsiklo. @ABSCBNNews
1
0
1
“Galit na galit ang magsasaka sa korapsyon” Some peasant groups kicked off their caravan and protest against corruption in a program held in front of the Department of Agrarian Reform office in Quezon City, Tuesday morning, October 21, 2025. @ABSCBNNews
0
1
2
Sinimulan ng ilang peasant group ang kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamamagitan ng isang programa sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, Martes ng umaga, October 21, 2025. @ABSCBNNews
0
0
2
Nagdulot ng masangsang na amoy ang sunog sa isang junk shop sa Marikina City dahil sa pagsingaw ng tangke na hinihinalang may acetylene gas. Bandang 2:00am ng Lunes nirespondehan ng BFP ang sunog na idineklarang fire out ng 2:45am. @ABSCBNNews
0
0
3
Sapul sa CCTV ang pananalisi ng riding-in-tandem sa nakaparadang closed van sa Marikina City. Natangay ng mga suspek ang P20,000 na kita ng lights and sounds rental at ilan pang gamit. @ABSCBNNews
0
0
3
Sumiklab ang sunog sa isang junk shop sa E. Manalo St., Bgy. Concepcion Uno, Marikina City, madaling araw ng Lunes, October 20, 2025. @ABSCBNNews
0
0
3
A GRAND VICTORY 👑🇵🇭 Emma Tiglao makes history as she delivers a back-to-back win for the Philippines in Miss Grand International.
70
2K
10K
Sapul sa CCTV ang pagtangay ng akyat-bahay sa mamahaling bisikleta sa San Mateo, Rizal. Pati helmet, hindi pinalampas ng suspek. @ABSCBNNews
0
0
0
Sapul sa CCTV ang pagtangay ng lalaki sa bag ng isang customer ng coffee shop sa Cainta, Rizal. Hindi lang isa ang nasa likod ng pagnanakaw ayon sa PNP. @ABSCBNNews
0
1
1
Nagtamo ng saksak sa leeg at tagiliran ang 38 anyos na taxi driver dahil sa panghoholdap ng tatlong lalaki na nagpanggap na pasahero sa Quezon City. Naaresto sa hot pursuit operation ng Talipapa Police ang mga suspek. @ABSCBNNews
0
0
1
EXCLUSIVE: Patay ang isang ginang matapos suntukin, tadyakan, at hatawin ng kahoy ng kanyang nakainom na mister sa Laurel, Batangas. Sugatan din ang 13-anyos na apo ng biktima matapos mapagdiskitahan ng suspek. @ABSCBNNews
0
0
0
Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki na pinuluputan ng tape ang ulo, nakagapos ang mga kamay, at tadtad ng saksak sa bakanteng lote sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, Linggo ng madaling araw, October 12. @ABSCBNNews
0
0
1
Sapul sa CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa isang apartment building sa Antipolo, Rizal. Ang perang natangay ng suspek, inutang pa ng biktima na pambayad sana sa bills. @ABSCBNNews
0
0
1